Sunday, May 6, 2018

Himagsik Laban sa Hidwaang Pananampalataya

Himagsik Laban sa Hidwaang Pananampalataya 


             Ang Florante at Laura na ginawa ni Francisco Balagtas Baltazar ay may apat na himagsik. Isa sa mga ito ay ang Himagsik Laban sa Hidwaang Pananampalataya. Ang himagsik na ito ay tunkol sa di pagkakasundo ng mga Kastilang Kristiyano at mga Moro mula sa Mindanao noong unang panahon.

           Sa panahon ng pagsulat ng Florante at Laura, ang Simbahan at ang Pamahalaan ay iisa ang kapangyarihan at turing ngunit iiba ang pangalan. Hindi tulad ngayon na ang bawat isa sa atin ay may kalayaan sa pananampalataya at pagsamba, kabaliktaran ang nangyayari dati. Noon, gustong ipalaganap ng mga Kastila ang relehiyong Katoliko lamang. 
     
          May mga taga-Mindanao at tumanggi sa relihiyong Katolika. Sila ay tinatawag na mga Moro. Pinaniwalaan ng mga Kastila na ang mga Moro ay mga masasama, di gumagawa ng kabutihan, walang puso at di kinikilala ang Diyos.

          Maraming nga manunulat sa panahong iyon ang natatakot sa pag sulat tunkol sa pananampalataya. Ito ay dahil sa Comision Permanente de Censura na sinsuri ang bawat aklat o mga babasahin. Sinisigurado nila na ang mga babasahing ito ay nagsasabi ng kabutihan sa relihiyong Kristiyanismo. May ilang mga babasahin o palabas na panonoorin na tunkol sa laban ng Kristiyano at Moro ngunit palaging nananalo ang Kristiyano at Moro ang palaging natatalo.
      
          Ang mga paniniwalang ito ay sinalungat ni Balagtas. Pinakita niya sa kaniyang akdang Florante at Laura na ang mga Moro ay nakakagawa din ng kabutihan at di tulad ng mga sinabi ng mga Kastila. Nakasaad sa kabanata 11 ng Florante at Laura na si Aladin na isang Morong Persiyano ay iniligtas si Florante na isang Kristiyano sa bagsik ng dalawang leon. Kahit na alam ni Aladin na magkaiba sila ng pananampalataya, tinulungan niya pa rin ang kaawa-awang si Florante na makaalis sa sitwasyong iyon. Ipinakita naman sa kabanata 27 ang pagligtas ni Flerida na isang moro na galing rin sa Persiya kay Laura na isang ring Kristiyano mula kay Konde Adolfo na nagtankang gahasain ito. 

Source:
http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2016/11/Apat-na-Himagsik-ni-Balagtas.pdf

     
Mar Jasper C. Mirasol  UPHSI 8-Tuburan